LEGAZPI CITY – Inabangan ng mga residente sa Batangas na apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Taal ang pagdating ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Higit 35, 000 residente na ang inilikas mula sa 14-kilometer danger zone na naghihintay sa tulong ng punong ehekutibo sa gitna ng kalamidad.
Sinabi ni Alex Masiglat, Office of the Civil Defense (OCD) CALABARZON information officer sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Legazpi, inirekomenda ng mga ito ang pag-ikot ng Pangulo sa ilan sa 130 designated evacuation centers sa pagsuri sa sitwasyon ng mga evacuees.
Hindi pa aniya ligtas na magpalipad ng chopper malapit sa Taal volcano kaya’t hindi hinikayat ang aerial inspection ng Pangulo.
Pangunahing idinulog ng mga evacuees mula sa 12 bayan at dalawang lungsod ang face masks, eye drops at malinis na inuming tubig at pagkain.