Turned over maritime research device
Turned over maritime research device

LEGAZPI CITY- Nai-turn over na ng Bombo Radyo Legazpi sa mga kinauukulan ang isang maritime research device na na-recover kaninang madaling araw sa may seawall sa Barangay Puro sa lungsod ng Legazpi.

Matatandaan na mismong ang tagapamahala ng Puro Fisher folk Association na si Rosalino Abion ang lumapit sa Bombo Radyo upang ipagbigay alam ang hinggil sa naturang device.

Ayon naman sa pakikipag-ugnayan ng himpilan kay Regional EOD and Canine Unit 5 head Police Major Jude Nicolarosa, sinabi nito na ang naturang device ay halos kahalintulad ng US made environmental device na nadiskubre sa Sorsogon noong weekend.

Kaugnay nito, siniguro naman ng opisyal na walang dapat ikabahala ang mga Bicolano hinggil sa naturang researce device.

Sa kasalukuyan ay isasailalim pa umano ito sa mas malalim na pag-aaral upang mabatid kung paano napadpad sa karagatan ng lungsod at kung para saan ito.