Inihayag ni Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez na hiniling ni dating Department of Public Works and Highways Sec. Manuel Bonoan ang pagpapalawig ng pananatili nito sa Estados Unidos.
Nabatid na karagdagang isang buwan o hanggang Pebrero 15, 2026 ang hiling nitong extension matapos umanong ma-rescheduled ang operasyon ng kaniyang maybahay.
Ayon sa impormasyon na nananatili ang dating opisyal sa California.
Sinabi rin ni Romualdez na siniguro ni Bonoan na hindi ito nagtatago.
Matatandaan na si dating DPWH Secretary Bonoan ay isa sa mga nasasangkot sa nagpapatuloy na imbestigasyon sa umanoy maanomalyang flood control projects.
Una itong lumabas ng bansa dahil sa pagpapagamot umano ng kaniyang asawa.











