LEGAZPI CITY- Masaya ang naging karanasan ng mga turista na sakay ng Hanseatic spirit cruise ship na dumaong sa lungsod ng Legazpi.
Kabilang sa mga ito ang mahigit 200 na European tourists ay Filipino crew na nag-ikot sa ilang kilalang mga tourist destinations sa lalawigan ng Albay.
Ayon kay Legazpi City Tourism Officer Cristina Agapita Pacres sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na malaking tulong ang naturang mga dayuhang turista sa pag-unlad ng ekonomiya ng lalawigan dahil sa pagtangkilik ng mga ito sa mga lokal na produkto at serbisyo ng Albay.
Aniya, ipinakita sa mga European tourists Filipino brand of excellence upang mahikayat ang mga ito na muling bumisita sa lalawigan.
Nabatid na inihanda rin sa naturang mga turista ang ilang sikat na Bicolano products tulad ng pinangat, sili ice cream, buko, Bicol express at iba pa.