LEGAZPI CITY- Ramdam na sa Bato, Catanduanes at ilan pang bahagi ng lalawigan ang epekto ng super typhoon Pepito.
Ayon kay Bato, Catanduanes Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office head Donabelle Tejada sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na nararanasan na ang malakas na hangin sa naturang bayan.
Pinangangambahan rin na lumakas pa ang naturang hangin sa mga susunod na oras dahil sa posibleng pag-landfall ng naturang sama ng panahon sa eastern coast ng Catanduanes.
Sa kabila nito ay siniguro ni Tejada na nasa evacuation centers na ang mahigit 11,000 na mga indibidwal na naninirahan sa mga critical areas.
Dagdag pa ng opisyal na simula pa kaninang tanghali ay nagpatupad na rin ng pre-emptive shutdown ang First Catanduanes Electric Cooperative, Inc.