LEGAZPI CITY- Nararanasan na ngayon sa lalawigan ng Catanduanes ang hagupit ng super typhoon Pepito matapos itaas sa signal number 5.

Ayon kay Robert Monterola, ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office Head of Operations ng Catanduanes sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, naranasan na ang maulan na panahon na mayroong hangin.

Nagkaroon na rin ng storm surge mula kaninang umaga kung kaya inilikas na ang lahat ng mga residente na nakatira sa coastal areas ng lalawigan.

Puno na rin kapitolyo ng Catanduanes ng mga evacuees kung saan naitala ang mahigit sa 400 na evacuees ang nag shelter sa nasabing lugar.

Siniguro naman ng opisyal na nasa ligtas ng lugar ang lahat ng mga residentes kung saan tinatayang 35% ng populasyon dito ang maaapektohan ng nasabing bagyo.

Patuloy naman ang pagmonitor ng naturang ahensya sa direksyon ng bagyo upang mapaalalahanan ang mga residente sa magiging epekto ng super typhoon Pepito.

Samantala nagkakaroon ng total shutdown ng kuryente sa buong probinsya ng Catanduanes dahil sa posibleng epekto ng super typhoon Pepito.

Maging ang operasyon ng mga lineworker sa mga bayan ng Virac, Bato, San Miguel, Baras, Gigmoto, at San Andres Catanduanes ay sinuspinde na rin.

Muli namang nagpaalala ang Provincial Government ng Catanduanes na icharge na ang mga gadgets at maghanda ng flashlight, kandila, at baterya.