LEGAZPI CITY – Nanawagan ang environmental group kay Environment Secretary Maria Antonia Toni Yulo-Loyzaga na bumaba na sa pwesto dahil sa pagsuporta nito sa mga fossil gas companies.
Kasunod ito ng pagpapatayo ng fossil gas plant sa Barangay Delapaz, Batangas na sinuportaran ni Secretary Yulo-Loyzaga.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Ian Rivera ang National Coordinator ng Philippine Climate Movement for Justice, hindi katanggap-tanggap na ang mismong secretary ng Department of Environment and Natural Resources na dapat sana ay manguna sa pangangalaga ng kapaligiran ang siya pang sumusuporta sa pagpapatayo ng mga pabrika na nakakasira sa kalikasan.
Maliban sa magastos at nangangailangan ng malaking enerhiya, nagdudulot rin umano ng polusyon ang mga fossil gas plants.
Sa ngayon ay naipaabot na rin ng grupo kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanilang panawagan na matanggal sa pwesto ang opisyal.