LEGAZPI CITY – Nagbabala ang grupong Ban Toxics sa publiko laban sa mga beauty products na kontaminado ng mecury na ibinibenta sa Quezon.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Ban Toxics Campaigner Thony Dizon, nilibot ng kanilang team ang lugar upang tingnan ang mga ibinebentang produkto sa mga palengke, mall at iba pang pwesto.
Dito na nakita ang mga beauty products na matagal ng ipinagbabawal ng gobyerno dahil sa mataas na mercury content na posibleng magdulot ng negatibong epekto sa mga gagamit nito.
Isinailalim sa test ang mga produkto kung saan nakita na ang ilan sa mga ito ay nasa 5,600 hanggang 29,000 parts per million ang mercury, malayo sa pinapayagan ng Food and Drug Administration na nasa 1 part per million lamang.
Dahil dito, sumulat na ang gruo sa Quezon City Health Department at nakipag-ugnayan sa lokal na gobyerno upang ipatigil ang pagbebenta ng nasabing mga produkto.
Posibleng magdulot ng negatibong epekto sa utak, nervous system at kidneys ang matagal na exposure sa mercury.