LEGAZPI CITY – Kasabay ng papalapit na pagbabalik eskwela, nagbabala ang grupong Ban Toxics sa mga magulang na maging mapili at maingat sa pagbili ng mga school supplies para sa kanilang mga anak.

Ito’y matapos na madiskubre sa paglilibot ng grupo na marami pa rin ang nagbebenta ng mga school supplies sa Pilipinas na kontaminado ng mga nakakasirang kemikal kagaya ng lead.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Ban Toxics Campaigner Thony Dizon, bumili ang kanilang grupo ang mga notebook, bag, eraser, lunch box at pang mga gamit sa paaralan.

Isinailalim ito sa test kung saan lumabas na karamihan ay positibo sa mataas na lebel ng hazardous chemicals na posibleng makasira sa kalusugan lalo na ng mga kabataan.

Payo ni Dizon na bago bilhin ang school supply ay tiyakin na mula ito sa mapagkakatiwalaang retailer at sumailalim sa mga test ng gobyerno.