LEGAZPI CITY- Hindi na ikinabigla ng isang election watchdog ang naging pahayag ni Vice President Sara Duterte na planong tumakbo sa Senado ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at nina Paolo at Sebastian Duterte.
Ayon kay Kontra Daya Convenor Danilo Arao sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na patunay lamang ito na tila naging normal na sa election system ng Pilipinas ang political dynasty.
Nagbabala naman ang grupo na ang kaso ng pamilya Duterte ay kinakailangang mabantayan lalo pa na si Vice President Sara ang una sa line of succesion kung sakaling may mangyari kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Paliwanag nito na hindi madetermina sa ngayong kung kaalyado pa ng administrasyong Marcos ang ikalawang pangulo.
Dagdag pa ni Arao na ang mga kapatid ng bise presidente ay may galit na tono kay Pangulong Marcos.
Isa pa sa mga scenario na binabantayan ng grupo ay ang posibleng tunay na motibo ng mga Duterte na gagamitin ang Senado para sa pagtakbo sa mas mataas na posisyon sa mga susunod na halalan.