LEGAZPI CITY- Tila hindi umano naramdaman ang unang araw ng campaign period sa national positions dahil sa matagal ng pangangampanya ng ilang mga personalidad nitong nakalipas na mga buwan.

Ayon kay Kontra Daya Convenor Danilo Arao sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na matagal ng nag-iingay ang ilang mga kandidato.

Pinuna rin ng grupo ang mga campaign rally na tila nagiging talent shows na, imbes sanang sinasamantala upang ipaliwanag sa mga botante ang kanilang plano upang masolusyunan ang mga kinakaharap na suliranin sa bansa.

Sa pagsisimula naman ng campaign period sa nasyunal na posisyon ay nagbabala si Arao na posibleng magin talamak ang pagkalat ng fake news lalo na sa social media.

Aminado kasi ang opisyal na ginagawang sandata sa misinformation ang teknolohiya sa ngayon, lalo na ng mga makapangyarihang personalidad.

Dahil dito, nanawagan si Arao na mas pabilisin ang pagtuhon sa fact checking upang hindi mabiktima ng anumang maling impormasyon lalo na sa papalapit na halalan.