LEGAZPI CITY – Binabantayan na ngayon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pagpasok ng El Niño o tag-init sa bansa.
Kasabay nito, nagpalabas na ang weather bureau ng El Niño Watch dahil sa inaasahang pagkakaroon ng below normal o iilan lamang na pag-ulan na magiging rason ng tagtuyot.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay PAGASA Catanduanes chief, Jun Pantino, inaasahang magsisimula ang El Niño sa bansa sa pagitan ng Hunyo hanggang Setyembre at posibleng magtagal hanggang sa 2024.
Ngayon pa lamang ay nagbigay na ng abiso ang ahensya sa publiko na magtipid ng tubig upang hindi makaranas ng kakulangan sa tubig.
Layunin naman ng ipinalabas na El Niño Watch na magkaroon ng maagang preparasyon ang gobyerno at ang publiko sa mga posibleng mangyari.
Ayon kay Pantino, maliban sa nababawasan ang pag-ulan kapag mayroong El Niño, malaki rin ang epekto o impact nito sa pagkakaroon ng malalakas na mga bagyo.
Paalala na lamang ng ahensya sa publiko na iwasan ang paglabas ng bahay tuwing tanghali at ugaliin ang palagiang pag-inom ng tubig upang makaiwas sa heat stress o heat cramps