Nagtapos sa ika-limang pwesto si Filipino pole vaulter EJ Obiena sa Silesia Diamond League sa Poland.
Nagawang malagpasan ni Obiena ang 5.62-meters at 5.82-m subalit dalawang ulit na nabigo sa 5.92-m bago nagpasya na hindi ituloy ang ikatlong attemp.
Mas pinili ng Pinoy pride na itaas ang bar sa 6m para sa huling attemp subalit nabigo ito.
Samantala, ang Swedish vaulter naman na si Mondo Duplantis ay muling nabasag ang kaniyang record matapos magtagumpay sa 6.26-m.