LEGAZPI CITY-Nananawagan ang Ecowaste Coalition tungkol sa epekto ng firecrackers o paputok sa kalusugan ng tao, maging sa mga hayop at sa kapaligiran.
Ayon kay Ecowaste Coalition Zero Waste Campaigner Ochie Tolentino, sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, na layunin nilang magbigay kaalaman sa lalo na sa mga kabataan.
Taunan din nila itong isinasagawa para maiwasan ang polusyon sa hangin, sa tubig, sa lupa, ganoon din sa pagkakaroon ng epekto nito sa kalusugan at kapaligaran lalo na sa mga tao pati na sa mga hayop.
Dagdag pa ng opisyal na patuloy rin ang kanilang kampanya para maintindihan ng mga tao at makapagdiwang sila ng ligtas at mapayapa.
Paliwanag rin niya na mas apektado ng mga firecrackers ang mga hayop dahil sa nagdudulot ito ng ingay at stress na matagal ang epekto para sa kanila.
Delikado rin ang mga kemikal na nakapaloob rito na maaring pumasok gamit ang usok nito sa katawan ng isang tao lalo na sa may mga Asthma at Heart Failure.
Sinabi rin ng opisyal na posibleng mapunta ang mga debris nito sa tubig at lupa na maaaring magresulta sa water at soil polution.
Iminumungkahi ng opisyal na gumawa na lamang ng sarili at alternatibong pampaingay gaya ng Torotot, Tansans, o Coins, para makapag-diwang ng mapayapa, ligtas at may pagmamahal sa kapwa.









