LEGAZPI CITY – Hanggang sa ngayon patuloy pa rin ang panawagan ng mga health workers sa bansa dahil sa kawalan ng suporta ng pamahalaan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Alliance of Health Workers National President Robert Mendoza, nananatiling nakapako ang ipinangakong mga benepisyo ng gobyerno sa mga health workers na buwis-buhay na nakipaglaban sa coronavirus disease pandemic.
Inamin din nito na hindi pa bumabalik sa normal ang duty ng mga health workers dahil hanggang sa ngayon nasa 12 hanggang 16 oras pa rin ang trabaho.
Binigyang diin ni Mendoza na indikasyon lang ito na palala ng palala ang understaffing o kakulangan ng manpower sa mga ospital.
Subalit hanggang sa hindi pa tinataasan ang sahod at walang sapat na benepisyo, kailanman ay hindi ito masosolusyonan at wala mga health workers ang mananatili sa bansa.
Isa pa sa pinangangambahan ni Mendoza na kung sakaling magkaroon muli ng surge ng COVID-19 siguradong babagsak ang healthcare system ng bansa.