LEGAZPI CITY- Agad na nirespundehan ng mga kinauukulan ang nangyaring aksidente sa kahabaan ng Purok 6 sa Barangay Batang, Ligao City na naganap kagabi.
Tumagilid kasi ang isang dump truck na may kargeng mga boulders.
Dahil sa aksidente ay natapon sa kalsada ang malalaking bato na karga ng naturang truck.
Kabilang sa mga rumispunde sa insidente ang Special Rescue Force ng Bureau of Fire Protection katuwang ang BFP Ligao City, Ligao City Disaster Risk Reduction and Management Office, Department of Public Work and Highways at Philippine National Police Ligao City.
Matagumpay naman na naisalba ang driver ng naturang truck na agad naitakbo sa pagamutan.
Samantala, mabilis rin na nagsagawa ng clearing operations sa naturang lugar.











