LEGAZPI CITY – Maglalagay ang Department of Trade and Industry (DTI) ng “Diskwento Caravan” malapit sa mga evacuation centers upang matulongan ang mga residenteng apektado ng patuloy na pag-aalburuto ng Bulkang Mayon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay DTI Albay Provincial Director Noel Bunao, nakipag-ugnayan ang kanilang opisina sa distributors ng ibat ibang produkto na pumayag naman na magbenta sa Kadiwa ng Pangulo sa mas murang halaga.

Dahil direkta na mula sa mga distributors, mas burang ibebenta ang mga produkto kung kung kaya makakatipid na an mga evacuees habang may roon pang mga pa-promo at discounts.

Kasama sa mga produktong ibebenta sa “Diskwento Caravan” ay gatas, kape, asukal, instant noodles, sardinas, lighter, sabon, shampoo at iba pa.
Plano ng ahensya na ilagay ang unang “Diskwento Caravan” sa Barangay San Antonio ng lungsod ng Tabaco.