LEGAZPI CITY – Nagpatupad ng limang araw na temporary closure ang tanggapan ng Department of Trade and Indusry (DTI) Albay mula Enero 10 hanggang 14, 2022.
Nabatid na isa sa mga empleyado ang nagpositibo sa COVID-19.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay DTI Albay Provincial Director Dindo Nabol, nakakaranas ng mga sintomas ng COVID-19 ang staff.
Napag-alaman na fully-vaccinated na rin ito.
Dahil sa nangyari, lahat ng close contact ay isinailalim sa antigen test na pawang negatibo naman ang resulta.
Samantala, tuloy ang pagbibigay-serbisyo ng DTI Albay sa pamamagitan ng online platform.
Ayon kay Nabol, bukas ang 15 negosyo centers na tumanggap sa ilan pang transaksyon ng mga kliyente ng tanggapan.