LEGAZPI CITY- Siniguro ng Department of Social Welfare and Development Bicol na sapat ang stockpile ng family food packs maaaring ipamahagi sa mga Bicolano kung sakaling makakaranas muli ng masamang lagay ng panahon.

Sa nakalipas na mga araw kasi ay naapektuhan ang rehiyon ng mga pag-ulan na dulot ng epekto ng shearline.

Ang naturang weather system ay nagdulot ng mga pagbaha at landslides sa ilang bahagi ng rehiyon.

Ayon kay Department of Social Welfare and Development Bicol Director Norman Laurio sa panayam ng Bombo Radyo Legazi na nakahanda ang ahensya sa pamamahagi ng family food packs lalo na kung may mga lokal na pamahalaan ang magpapatupad ng paglikas.

Nagpahayag rin ng kahandaan ang opisyal sa pagbibigay ng iba pang pangangailangan ng mamamayan sa panahon na tumama ang anumang uri ng kalamidad sa rehiyon.

Samantala, nanawagan naman si Laurio sa publiko na ugalin na maging alerto sakaling muling makaranas ng masamang lagay ng panahon.