LEGAZPI CITY – Nakahanda ang Department of Social Welfare and Development na magbigay ng tulong sa mga tatamaan ng pertussis o whooping cough.
Kasunod ito ng mga naiuulat na kaso ng sakit sa ilang bahagi ng Pilipinas.
Ayon kay Maria Vivien Cea an Head kan Provincial Social Welfare and Development Office ALbay, may nakalaan na pondo ang ahensya na pangtulong sa mga tatamaan ng sakit sa ilalim ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situation.
Nasa P1,000 hanggang P3,000 ang ibibigay na pinansyal na ayuda sa mga magpopositibo sa sakit na mayroon lamang na mild symptoms.
Para naman sa mga malalang sintomas at kailangang dalhin sa ospital, magbibigay ang ahensya ng P5,000 hanggang P10,000.
Payo naman ng opisyal sa mga nakakaranas ng sintomas ng sakit na agad na magpakonsulta sa doktor at magreport sa kanilang opisina upang mabigyan ng tulong.