LEGAZPI CITY – Siniguro ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Bicol na patuloy pa rin ang pamimigay nila ng ayuda sa mga residenteng naapektuhan ng baha na dala ng patuloy na pag-ulan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay DSWD Bicol Disaster Response Management Division Chief Marites Quismorio, namigay na sila 1,522 na family food packs sa mga naapektuhan ng pag-uulan na dala ng Low Pressure Area sa mga lalawigan ng Albay, Catanduanes at Camarines Norte.

Nagkakahalagang P700,000 na ang naipamigay sa mga apektadong pamilya.

Ayon pa kay Quismorio, inihatid ang mga foodpacks gamit ang backhoe ng mga field staff ng DSWD kasama ang mga ayuda sa San Miguel, Catanduanes dahil sa ito ay Geographycally Isolated and Disadvantaged Areas ang lugar.

Siniguro naman ng opisyal na paloaging handa ang ahensya sa pagpapaabot ng tulong lalo na ngayong walang kasiguraduhan kung kailan matatapos ang walang patid na pag-ulan sa ilang bahagi ng Bicol.

Nagpaalala naman ito sa pubiko na mag-ingat, maging alerto at palaging magin updated partikular na ang mga nasa lanslide at flashfood areas.