LEGAZPI CITY – Nakatakdang magbigay ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Bicol sa mga apektadong magsasaka dulot ng matinding epekto ng El Niño phenomenon.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Claudio Villareal Jr., Chief ng Disaster Response Management Division kan ng DSWD Bicol, nakikipagtulungan na ang tanggapan sa mga local government unitspara sa pagbibigay ng ayuda sa mga magsasaka.
Kasama na rito ang pamamahagi ng family food packs sa mga magsasaka mula sa anim na lalawigan ng rehiyon na apektado ng tagtuyot.
Maliban dito, mayroon ding binuong programa ang tanggapan na ‘project lawa at project binhi’ na isang preventive measure sa epekto ng matinding init ng panahon.
Dito ay sasailalim sa isang casual training ang mga magsasaka mula sa mga piling munisipalidad kung saan tuturian na gumawa ng small water reservoir para sa pagtatanim ng mga produktong agrikultural o mga gulay na disaster resilience.
Ayon kay Villareal, ang magiging bayad dito ay ang aanihin na produkto ng mga benepisyaryong magsasaka.