LEGAZPI CITY—Nakumpiska sa isinagawang anti-drug raid operation ng mga anti-drug raid operation ang mga ilegal na droga at baril sa Sitio Maputat, Barangay Poblacion District II sa bayan ng Claveria, Masbate.
Ayon kay Claveria Municipal Police Station, Chief of Police, Police Captain Ma. Dolores Abenia, sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, nang makita ng kanilang mga tauhan ang suspek na si alyas “Teteng” ay bigla umano itong tumakbo papuntang ilog sa nasabing lugar.
Nabatid na si alyas “Teteng” ay dating miyembro ng CAFGU (Citizen Armed Force Geographical Unit) at dating nakatalaga sa Barangay Ilawod ng nasabing bayan.
Sa pagpapatupad ng search warrant, narekober sa bahay ng suspek ang apat na pakete ng medium-sized na hinihinalang shabu na may timbang na 17.1 gramo at nagkakahalaga ng P115,668.
Narekober din ang isang .38 revolver na may apat na basyo ng bala, magazine para sa M16 rifle at magazine para sa kalibre .45.
Dagdag pa ng opisyal, nakumpiska rin ang iba pang paraphernalia na ginagamit umano ng suspek sa iligal na droga.
Sa kasalukuyan, at-large ang suspek at saka aniya ito aarestuhin kapag inilabas na ang warrant of arrest para sa naturang indibidwal.