LEGAZPI CITY – Sinasamantala na ngayon ng Department of Public Works and Highways ang mainit na panahon upang makapagsagawa ng repairs sa mga daanan.
Ayon kay Richard de Jesus ang tagapagsalita ng 2nd District Engineering Office ng DPWH, inaayos na ang mga bitak na kalye, problema sa sidewalks, naglalagay ng lane markings, nagpapa-ispalto at iba pa.
Kailangan umanong bilisan ang pagpapaayos ng mga daanan bago pa man dumating ang tag-ulan ngayong ber months.
Prayoridad sa isinasagawang repairs ang mga pangunahing daanan sa lungsod ng Legazpi at sa bayan ng Daraga na maraming gumagamit na mga motorista.
Target ng ahensya na matapos ang lahat ng mga proyektong ito bago dumating ang tag-ulan.