dating DPWH Undersecretary Cabral

LEGAZPI CITY- Nagpaabot ng pakikiramay ang pamunuan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa kaanak na naulila ni dating Undersecretary Maria Catalina Cabral.

Matatandaan na una ng kinumpirma ng mga otoridad na natagpuan nila ang wala ng buhay na si Cabral matapos umanong mahulog sa Kennon Road sa Tuba, Benguet.

Si Cabral ay nagsilbi sa DPWH sa loob ng mahigit 40 taon.

Kaugnay nito ay nanawagan naman ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa publiko na irespeto ang privacy ng pamilya ng dating opisyal kasunod ng biglaang pagkamatay nito.

Kung babalikan, iniuugnay si Cabral sa kontrobersiya sa flood control projects at kabilang rin sa mga opisyal ng DPWH na inirekomenda ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) na sampahan ng kaso.