LEGAZPI CITY – Hinikayat ng Department of Tourism (DOT) Bicol ang mga hotel na maging bukas upang gawing quarantine areas ng mga Person Under Investigation (PUI) at Person Under Monitoring (PUM) dahil sa coronavirus.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay DOT Bicol Director Benjamin Santiago, kailangan aniya ang kooperasyon ng mga hotel dahil may ilang lugar sa rehiyon na walang nakatalagang quarantine areas.
Ayon kay Santiago na sa pamamagitan nito, mababawasan ang mga mahahawaan ng virus kumpara sa mga nakahome-quarantine lamang na mga PUI at PUM.
Batay kasi sa mga pag-obserba, hindi gaanong epektibo ang hakbang lalo na kung magkakalapit lamang ang mga bahay.
Malaking tulong umano ang paglalagay ng mga quarantine areas upang maibalik sa normal ang buhay ng mga tao dahil sa epekto ng coronavirus.