LEGAZPI CITY – Nagbaba ng travel advisory ang Department of Tourism (DOT) na pansamantalang iwasan ang pagtungo sa mga lugar sa Bicol na identified dengue hotspots.
Sinabi ni DOT Bicol Director Benjamin Santiago sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Legazpi, kasunod ang nasabing abiso ng national dengue epidemic na idineklara ng Department of Health (DOH).
Kahit pa sa mga lugar na hindi kabilang sa dengue hotspots, dapat pa ring magpatupad ng preventive measures ang mga turista.
Batay sa datos ng DOH Bicol noong Hulyo 27 sa kasalukuyang taon, may 80 barangay sa rehiyon na itinuturing na dengue hotspots kung saan 26 sa mga ito ang nasa Camarines Sur; Sorsogon, 10; Albay, 20; Masbate, 6; at Catanduanes, 13.
Kabilang rin ang Bicol sa mga rehiyon sa bansa na lagpas na umano sa epidemic threshold ang dengue cases, ayon sa DOH.
Samantala, nilinaw naman ng opisyal na nananatiling ‘safe destination’ ang rehiyon.