Airfare

LEGAZPI CITY- Aminado ang Department of Tourism (DOT) Bicol na mayroong epekto sa buhos ng turismo ang mataas na airfare at mahal na hotel accommodation.

Ito ay kaugnay ng reklamo ng ilan na mahirap suportahan ang lokal na turismo dahil sa umanoy napakamahal na gastos sa transportasyon.

Ayon kay Department of Tourism Bicol Director Herbie Aguas na mas pinipili ng ibang mga Pilipino ang international travel kaysa magtungo sa mga lokal na destinasyon dahil halos pareho lang din umano ang nagagastos.

Dahil dito ay nakikipag ugnayan na umano ang tanggapan sa mga airline companies upang matugunan ang isyu.

Sinabi ng opisyal na nais nila na magkaroon ng teamwork sa pagitan ng Department of Tourism at ng mga stakeholders upang maabot ng Pilipinas ang target na maging tourism powerhouse ng Asya.

Paliwanag ni Aguas na kung mananatili ang mataas na airfare at walang pagmamalasakit ay maiiwan ang bansa sa larangan ng turismo.