LEGAZPI CITY-Sinabi ni Science and Technology Secretary Renato Solidum Jr. na inaasahang makararanas ng tagtuyot ang lahat ng probinsya sa bansa sa pagtatapos ng Marso 2027.
Ito ay batay sa pinakahuling meteorological outlook sa gitna ng pagsisimula ng pag-iral ng El Niño ngayon sa bansa.
“Lahat ng probinsya,” sinabi ni Solidum sa Palace briefing.
Batay sa definition ng DOST-PAGASA, ang tagtuyot ay tumutukoy sa tatlong magkakasunod na buwan ng way-below-normal rainfall, o pagbaba nang higit sa 60 porsiyento mula sa karaniwan, o kaya naman ay limang magkakasunod na buwan ng below-normal rainfall.











