LEGAZPI CITY – Plano ng Department of Science and Technology na maglagay ng mga digital library sa Bicol na layuning mapalakas ang sistema ng edukasyon sa Pilipinas.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Rommel Serrano ang Director ng Department of Science and Technology Bicol, nakipagpartner ang ahensya sa non-government organization na The Fraternal Order of Eagles para sa paglalagay ng 100 na mga STARBOOKS sa rehiyon.
Ang STARBOOKS ang tawag sa digital library na maaaring ma-access offline upang makapagbasa ng libu-libong libro, journals at videos.
Sa pinirmahan na Memorandum of Understanding, ang DOST ang magbibigay ng digital library habang ang non-government organization ang magdideliver nito sa mga mapipiling lugar.
Malaki umano ang maitutulong ng proyekto dahil maari na ditong makapagreview at makapag-aral ang mga estudyante at makakagamit pa ng mga makabagong teknolohiya at gadgets na sumasabay sa mabilis na nagbabagong panahon.