LEGAZPI CITY – Dehado si Filipino Flash Donito Donaire pagdating sa mga pustahan at paboritong manalo sa laban kontra kay Naoya Inoue.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Bombo Inaternational Correspondent Josel Palma, karamihan sa mga boxing analyst ay naniniwalang si Inoue ang posiblang manalo sa laban sa Hunyo 7 Super Arena sa Saitama, Japan.

Kung pagkukumparahin kasi ang standing ng dalawang boksingero, mas nakakalamang si Inoue na may 22 panalo, walang talo at may 19 knockouts kumpara kay Donaire na may 42 na panalo, anim na talo at 28 knockout.

Pagdating naman sa edad mas bata at nasa kalakasan pa si Inoue na nasa 29 na taong gulang kumpara kay Donaire na 39 na taong gulang na.

Subalit may iba rin na mga analyst ang naniniwalang nakadepende pa rin ito sa istilo at diskarte ng dalawa sa loob ng ring lalo pa at may mas mahabang karanasan na sa boksing ang Pinoy boxer.

Paglalabanan ninaa Inoue at Donaire sa unification bout ang tatlong titulo kabilang ang WBC na hawak ni Donaire, WBA na hawak naman ni Inoue at IBF na itataya rin sa laban.

Maaalalang Nobyembre 7, 2019 ng magharap sa ring ang dalawang boksingero kung saan natalo si Donaire via uninamous decision.