Kinumpirma ni Department of Justice Secretary Frederick Vida sa isang press briefing na itinuturing bilang “fugitive from justice” Senador Ronald “Bato” dela Rosa.
Dahil dito ay inatasan na ng tanggapan ang Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) na arestuhin ang senador.
Paliwanag ni Vida na dalhin sa International Criminal Court (ICC) si Dela Rosa upang harapin ang mga kaso laban sa kaniya.
Ito ay alinsunod pa rin sa ipinalabas na arrest warrant ng ICC.











