Boying Remulla appointed as Ombudsman

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla bilang bagong Ombudsman.

Hahalili si Remulla kay dating Ombudsman Samuel Martires, na nagtapos ang termino noong Hulyo 27.

Matatandaan na ang tanggapan ng Ombudsman ang namamahala sa mga kasong isinampa laba sa mga matataas na opisyal ng pamahalaan.

Kabilang din sa mandato nito ang pangangasiwa sa mga kaso na kinakasangkutan ng mataas na halaga ng pera o mga ari-arian.