LEGAZPI CITY – Hindi nagkaroon ng magarbong aktibidad ang Department of Health (DOH) kaugnay ng pag-obserba sa International Day Against Drug Abuse and Illicit Trafficking dahil sa coronavirus disease (COVID-19) pancemic.
Subalit ayon kay DOH CHD Bicol Dangerous Drug Abuse Prevention and Treatment Program (DDAPTP) Program Manager Dr. Kristine Peña sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, inilunsad ng kanilang central office ang “Substance Abuse Helpline 1550” upang tumanggap ng mga concern patungkol sa drug abuse.
Nilinaw naman ng opisyal na hindi pa epektibo ang naturang helpline sa Bicol.
Magsasanay pa umano ang mga staff na uupo sa naturang programa.
Kasabay naman ng okasyon, nagsagawa ng mga seminar ang Dangerous Drugs Board (DDB) upang madagdagan ang kaalaman ng publiko sa epekto ng ipinagbabawal na gamot.
Nagkaroon rin umano ng major adjustment sa mga serbisyo ng ahensya matapos na mag-resume ang admission sa mga rehabilitation centers sa rehiyon.
Matatandaang pansamantalang itinigil ang pagtanggap ng mga pasyente sa mga rehab centers upang mapaiwasan ang pagkalat ng COVID-19.