LEGAZPI CITY – Maglulunsad ng “Dog Walk for a Cause: Bangon, Oragon Ka” ang Legazpi City Veterinary Office kasama ang iba pang organisasyon ng pet owners, sa Nobyembre 28.
Pangunahing nilalayon ng aktibidad na mahikayat ang mga responsible pet owners na tumulong sa mga naapektuhan ng mga nagdaang bagyo habang makakapag-bonding rin sa mga alagang hayop.
Ayon kay City Veterinarian Dr. Manny Estipona sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, alay-lakad ito para sa pagbangon ng mga biktima sa mga bagyo partikular na ang Super Typhoon Rolly.
Kabilang sa proceeds ng event ay ibibili ng yero para sa mga nawalan ng bubong noong bagyo.
Maliban pa rito, contest rin ang nasabing event na umaasang magkakaroon ng positibong impact sa kabila ng pandemic at iba pang hamon.
Umaasa naman si Estipona sa paglahok ng 15, 000 dog owners sa Legazpi para sa nasabing aktibidad.