The Department of Energy (DOE) Oil Industry Management Bureau considers that among the reasons for the sudden increase in oil prices this week is the escalating tensions in the Middle East.

LEGAZPI CITY – Itinuturing ng Department of Energy (DOE) Oil Industry Management Bureau na kabilang na sa mga dahilan ng biglaang pagtaas ng presyo ng langis ngayong linggo ay ang tumitinding tensyon sa Middle East.

Gayunpaman, tiniyak ni DOE-Oil Industry Management Bureau director Rino Abad sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na gumagawa na sila ng mga hakbang kasama ang mga oil companies upang matiyak ang katatagan ng suplay sa gitna ng tensyon.

Inaasahan din nila ang pagtaas ng trading sa Mean of Platts Singapore na magdudulot din ng malaking adjustment kaya hiniling nila ang kooperasyon ng mga oil companies na ipatupad ulit ang standard price adjustment o tingian na pagtaas na kanilang ginawa noong magkaroon ng palitan ng missile attacks sa pagitan ng Iran at Israel.

Sinabir in ng ng opisyal na pinagpa-planuhan na maghanap ng pansamantalang mapagkukunan ng suplay sa ibang mga lugar tulad ng Estados Unidos, Canada, Venezuela, Africa, Brazil, at South America sa kabila ng mas mataas na presyo ngunit malayo sa kaguluhan sa Middle East.

Hinimok din ni Abad ang publiko na manatiling kalmado habang patuloy silang gumagawa ng mga hakbang habang may sapat pa ring suplay ng langis ang bansa upang maiwasan ang pagkaantala ng suplay ng mga produktong petrolyo na maaaring magdulot ng sunod-sunod na hoarding.