LEGAZPI CITY – Nagsimula na ang paghahanda ng disaster response cluster sa Bicol sa posibleng mga sama ng panahon kasunod ng pagpasok ng typhoon season o panahon kung saan madalas na tinutumbok ng mga bagyo ang rehiyon.


Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Department of Social Welfare and Development (DSWD)Bicol Regional Director Norman Laurio, nagkaroon na ng mga pag-uusap ang ahensya kasama ang Office of Civil Defense Office, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council at iba pang mga concerned agencies.


Layunin ng naturang hakbang na malaman ang mga dapat na gawing preparasyon ng kada lokal na pamahalaan pagdating sa pagresponde sa mga kalamidad.


Lalo pa’t nakataas pa rin aniya sa alert level 3 ang Bulkang Mayon sa Albay habang nasa alert level 1 naman ang Bulkang Bulusan sa Sorsogon.


Dahil ito siniguro ni Laurio, na nakahanda ang ahensya para magbigay ng relief assistance at relief recovery sakaling may pumasok na bagyo sa rehiyon.