LEGAZPI CITY – Umapela si Bishop Joel Baylon ng Diocese of Legazpi na makiisa sa panalangin para sa kapayapaan, lalo na sa mga bansang may nagpapatuloy na kaguluhan.
Ito ay kasunod ng panawagan ni Pope Francis na ipanalangin ang kapayapaan sa gitna ng gulong nangyayaring sa kasalukuyan sa Ukraine.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Baylon, isinama na rin sa panalangin ang pag-alala sa mga biktima ng SAF44 kaugnay ng Mamasapano encounter.
Naniniwala si Baylon na walang maidudulot na mabuti ang mga patayan lalo na kung pulitika at pagbabanggaan ng ideolohiya ang dahilan.
Ayon pa sa obispo na dapat araw-arawin ang paghingi ng kapayapaan na nag-uumpisa sa sarili, dumadaloy sa kapwa at sariling bahay hanggang sa komunidad.
Nagtext blast na rin ang Diyosesis sa iba pang parokya para sa naturang panalangin.