LEGAZPI CITY-Makikiisa an Diocese of Legazpi at Albay Movement Against Corruption para sa isasagawang ‘Lakad laban sa Katiwalian’ rally sa darating na November 30, 2025.
Ayon kay Social Action Center of Diocese of Legazpi Executive Director Fr. Eric Martillano, sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na pangalawang aktibidad na nila ito sa isinagawang “Trillion Peso March” kun saan makikiisa ang kanilang simbahan para sa gaganaping rally ngayong buwan.
Aniya, isasagawa ito bilang panawagan sa gobyerno na magkaroon ng tunay na reporma at magsagawa ng mga pagbabago.
Magsisimula ang rally sa November 30 sa oras na alas 8:00 ng umaga at pangungunahan ito ni Catholic Bishop Joel Baylon.
Sisimulan rin ang aktibidad sa pamamagitan ng pag martsa mula sa simbahan papunta sa ciudad ng Legazpi hanggang sa “Pinaglabanan monument” kung saan isasagawa ang isang sarong programa.
Hinihikayat rin ang lahat na makiisa bilang isang sambayanan at bilanng isang simabahan para sa laban na kanilang ipinapanawagan.











