
Posibleng umabot ang presyo ng regular na diesel sa P165 kada litro habang ang premium diesel ay aabot sa P170 kada litro sa susunod na linggo.
Ito ay kung ang bagong pagtaas ng presyo ay mangyayari batay sa trading ng Mean of Platts Singapore (MOPS) sa nakalipas na apat na araw (Marso 30 hanggang Abril 2).
Batay sa trading, sinasabi ng ilang oil industry sources na ang presyo ng diesel ay tataas ng P17 hanggang P19 kada litro.
Sa kabilang banda, ang presyo ng gasolina ay maaaring tumaas ng P3-P5 kada litro. Kung mangyari iyon, ang presyo ng super premium, premium, at regular na mga klase ay aabot sa P120, P117, at P110 kada litro.
Para sa Marso 31-Abril 6, narito kung paano mag-aadjust ang mga fuel retailers ayon sa Department of Energy:
Diesel – P14 kada litro
Gasolina – P2.90 kada litro
Kerosene – P2.50 kada litro










