DICT warns public against AI generated Mayon photos

LEGAZPI CITY- Nagbabala ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na maging mapanuri sa mga impormasyon na may kinalaman sa aktibidad ng bulkang Mayon.

Ito ay kaugnay ng patuloy na pagkalat ng mga AI generated na mga larawan at videos.

Ayon kay DICT Assistant Secretary June Vincent Manuel Gaudan sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na nagdudulot ng pangamba ang mga exaggerated na mga larawan at videos na napag-alaman na Artificial Intelligence.

Aminado ang opisyal na marami ang nabibiktima ng ganitong mga fake news kaya dapat na maging matalino ang publiko sa pinaniniwalaang impormasyon.

Ayon sa opisyal na dapat na tangkilikin ng mamamayan ang mga dekalidad na content na mula sa mga mapagkakatiwalaang source.

Nagbabala pa si Gaudan na maituturing na krimen ang pagpapakalat ng mga maling impormasyon.