DICT digital transformation centers

LEGAZPI CITY- Binuksan ng Department of Information and Communications Technology (DICT) Bicol ang kanilang Digital Transformation Centers, TechEd Centers at mga provincial offices sa buong rehiyon.

Ayon kay DICT Bicol Assistant Regional Director Engineer Carmela Valencia sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na layunin ng hakbang na makapagbigay ng suporta sa pamilya ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na apektado ng kaguluhan sa Gitnang Silangan.

Sa pamamagitan nito ay mabibigyan ng access sa teknolohiya, libreng equipment at malakas na internet connection upang magkaroon ng maayos na komunikasyon sa mga Pilipino sa Gitnang Silangan.

Maliban dito ay magbibigay rin ng technical assistance ang mga tauhan ng naturang tanggapan.

Maaari itong mapakinabangan ng mga Bicolano na may kamag-anak na Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Middle East tuwing Lunes hanggang Biyernes.

Ayon kay Valencia na nais nilang masiguro ang pagkakaroon ng tamang impormasyon hinggil sa kalagayan ng mga Pilipino sa Gitnang Silangan.