LEGZPI CITY- Ikinatuwa ng Department of Education Masbate ang magandang turn out ng enrollees para sa school year 2024-2025.

Ito matapos makapagtala ng nasa 42,032 na mga enrollees ngayong araw.

Sa naturang bilang, 39, 660 rito ay nag enroll sa pampublikong paaralan at 2,369 naman sa pribadong paaralan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Martin Espayos, ang Division Information Officer ng Schools Division Office Masbate, naabot na nila ang mahigit 50% na target enrollees ngayong school year.

Isa sa mga tinitingnang rason ay ang maagang kampanya ng mga guro para sa enrollment.

Mas maluwag na rin aniya ang proseso ngayon dahil wala nang masyadong hinihinging dokumento para makapag enroll.

Samantala, magpapatuloy ang enrollment hanggang Hulyo 26.

Maaari namang mag-enroll ang mga magulang at mag-aaral sa pamamagitan ng in-person, remote enrollment at enrollment via drop boxes matatagpuan sa mga paaralan at barangay hall.