LEGAZPI CITY – Kumpiyansa ang Department of Education na makakapag-uwi ng medalya ang mga pambato ng Bicol sa Palarong Pambansa 2024 na isasagawa sa Cebu.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Rufino Arellano ang Divison Sports Officer ng Masbate, kahapon ng sinumulan na ang aktibidad sa pamamagitan ng opening ceremony na dinalohan ng mga atleta mula sa ibat ibang bahagi ng bansa.
Ayon kay Arellano, nasa kondisyon na ngayon ang mga atleta na nakahanda sa pagsabak sa kanya-kanyang event.
Kasama sa mga inaabangan ay si Jewel Trangia na pambato ng Bicol para sa Discus Throw.
Una na itong nagkampiyon sa Association of South East Asian Nation School Games sa Vietnam at kwalipikado na rin sa Indonesian Athletics Championship sa darating na Hulyo 20.
Umaasa si Arellano na makakapag-uwi muli si Trangia at ang iba pang mga atleta ng panibagong karangalan para sa rehiyon.