LEGAZPI CITY- Kinumpirma ng Department of Health na nakapagtala na ng kaso ng COVID-19 subvariant na KP.2 sa Pilipinas.
Ang KP.2 ay mas kilala rin sa tawag na FLiRT variant na unang naitala sa ilang mga bansa kabilang na ang Estados Unidos at Singapore.
Sa pahayag ni Department of Health Assistant Secretary Albert Domingo, sinabi nito na ang sample collection date para sa naturang variant ay noong nakapilas na buwan subalit hindi inaalis ang posibilidad na may mga kaso pang hindi na-detect dahil sa limitadong sequencing ng bansa.
Matatandaan na una nang sinabi ng health department na nangangailangan ng bagong bakuna para sa FLiRT variant upang mapalakas ang immunity ng isang indibidwal.