dengue cases
dengue cases

LEGAZPI CITY- Aminado ang isang health expert na bahagyang nakakabahala ang surge ng dengue cases sa ilang bahagi ng bansa.

Ito lalo pa na nakakapagtala ng mga pasyenteng binabawian ng buhay dahil sa naturang sakit.

Ayon kay Octa Research Fellow Dr. Guido David sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na mas maagang naitala ang surge ng dengue ngayong taon dahil sa pagbabago ng weather patterns dulot ng climate change.

Itinuturing naman ng Octa Research na mas mataas ang mga kaso ng sakit ngayong taon kumpara sa surge noong Hulyo 2022.

Sa kabila nito ay nakikita umano ang posibilidad na bumaba ang dengue cases ngayong buwan ng Marso dahil sa summer season subalit pinaghahanda pa rin ng opisyal ang pagbabalik ng pagtaas ng kaso sa mga buwan ng Hulyo hanggang Agosto dahil sa panahon ng tag-ulan.

Dahil dito ay sinabi ni David na mas mainam pa rin ang pagkakaroon ng inisyatiba ng mga lokal na pamahalaan upang malabanan ang pagkalat ng dengue virus.