Senator Ronald “Bato” dela Rosa is considering hiding from authorities once the International Criminal Court (ICC) issues an arrest warrant against him.

Ikinokonsidera ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang pagtatago sa mga otoridad sa oras na mag-isyu na ang International Criminal Court (ICC) ng arrest warrant laban sa kanya. 

Ayon kay dela Rosa, kung wala naman makita na hustisya sa bansa ay bakit pa raw siya susuko sa mga otoridad. 

Una nang sinabi ni dela Rosa na sa oras na may lumabas na warrant of arrest sa kanya ay handa siyang sumuko para makasama si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa The Hague sa Netherlands. 

Pupwede naman anya siyang magtago at gamitin ang koneksyon kung tutuusin pero hindi niya ito gagawin.

Taliwas sa pahayag ng senador kung saan kasama na raw sa kanyang courses of action ay magtago na lamang. 

Samantala, malaking option naman daw para kay dela Rosa na magkanlong sa Senado sa oras na paghahanapin na siya ng mga otoridad at isilbi ang arrest warrant. 

Dapat daw respetuhin ng mga otoridad ang Senado bilang institution.

Gayunpaman, sinabi ng senador na hindi naman daw siya forever na magkakanlong sa Senado at hhintayin lamang ang pasya ng Korte Suprema.

Nagpasalamat naman si dela Rosa kay Senate President Francis “Chiz” Escudero matapos na sabihin ng pangulo ng Senado na hindi niya pipigilan si dela Rosa sakaling humingi ito ng tulong sa Senado at magkanlong. 

Si dela Rosa ang pangunahing nagpatupad ng madugong war on drugs noong administrasyon ni Duterte. 

Nauna nang inaresto si duterte ng Interpol nitong Marso 11 sa bisa ng isang ICC arrest warrant dahil sa kasong crimes against humanity.