Atty. Nicholas Kaufman

LEGAZPI CITY- Aminado ang isang political analyst at constitutional law expert na tila nakulangan ito sa naging depensa ng legal team ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa unang araw ng confirmation of charges sa International Criminal Court.

Ayon kay Atty. Michael Henry Yusingco sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na tila walang overall defense strategy si Atty. Nicholas Kaufman.

Paliwanag nito na dapat na maging layunin ng defense team ni dating Pangulong Duterte ang pagpapahina ng prosecution case upang magkaroon ng reasonable doubt subalit hindi umano ito nangyari.

Aniya, hindi nahanapan ng butas ng depensa ang mga ebidensya ng prosekusyon.

Ayon kay Yusingco na tila sapat ang mga inilatag na ebisensya ng prosekusyon upang matuloy sa paglilitis ang kaso ng dating pangulo.

Samantala, ang isa sa mga magagawa umano ngayon ng kampo ng dating Pangulong Duterte ay ang mapatunayan na sang-ayon sa due process ang mga hakbang sa war on drugs sa ilalim ng kaniyang administrasyon at maglatag ng mga ebidensya na nanlaban ang mga namatay sa kampanya laban sa iligal na droga.