LEGAZPI CITY- Pinawi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology ang pangamba ng publiko sa posibleng aktibidad ng Bulkang Mayon sa kabila ng mga pag-ulan sa lalawigan ng Albay.
Ayon kay Phivolcs resident volcanologist Dr. Paul Alanis sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na nakapagtala ng debris flow subalit naipon lamang ito sa slopes ng bulkan.
Nabatid na ang naturang mga debris ay hindi naman dumausdos pababa kaya hindi naman naka apekto sa mga residente na naninirahan sa Mayon unit area.
Magkakahalo umano ang mga dating volcanic materials at ang mga ibinuga sa mga bagong eruption.
Dagdag pa ng opisyal na wala namang naitalang lahar flows sa kabila ng ilang araw na masamang kalagayan ng panahon sa lalawigan.
Sa kabila nito ay mulang nagpaalala si Alanis sa publiko na ipinagbabawal pa rin ang pagpasok sa 6km radius permanent danger zone para sa kanilang kaligtasan.