LEGAZPI CITY-Hindi bababa sa 90 katao ang nasawi at dalawa pa ang naiulat na nawawala matapos sumabog ang isang coal mine sa Northern China, sa lalawigan ng Shanxi.
Ayon sa mga rescuer official, 90 katao ang kumpirmadong namatay simula noong Sabado, Mayo 23.
Isang gas explosion kasi ang naitala sa Liushenyu Coal Mine, kung saan naganap rin ang pinakamalalang sakuna taong 2009.
Mayroong 247 na manggagawa sa lugar noong pagsabog nitong Biyernes, kung saan mahigit 100 katao ang nailigtas at daan-daang rescuer ang ipinadala sa lugar.
Sinabi ng Chinese President Xi Jinping na dapat mag-ingat sa mga pagsisikap na malunasan ang mga nadamay at sa paghahanap sa iba pang mga nakaligtas.
Sinabi ng state council ng bansa na isang “mahigpit” na imbestigasyon ang isasagawa at ang mga responsable sa insidente ay parurusahan.
Samantala, nasa 128 katao ang nananatili pa rin sa ospital, kabilang ang dalawa na nasa kritikal na kondisyon.











